Kabilang sa mga nakatanggap ang Santiago Vegetable Growers & Marketing Cooperative, na binigyan ng isang unit ng solar power irrigation system, apat na unit ng rain shelter, dalawang unit ng pump and engine set, 150 bags organic fertilizer parker neem cake, 100 piraso ng plastic crate at 187.5 kilo ng assorted vegetable seeds na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.
Nakatanggap naman ang Mallig Pro-Organic Farmers Association ng mga proyekto na may halagang P861,750.00 kung saan kalakip ang 50 bag ng organic fertilizer parker neem cake, 50 piraso ng plastic crate, at 122.5 kilo ng assorted vegetable seeds.
Ang San Pedro Farmers Association ay binigyan din ng dalawang unit ng pump and engine set at 21.125 kilo ng assorted vegetable seeds, abot sa halagang P313,847.50.
Dumalo rin ang Simmanu Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative na nakatanggap ng mga suplay sa halagang P393,332.50 kung saan nakapaloob ang dalawang unit ng pump and engine set at 26.875 kilo ng assorted vegetable seeds.
Kasama rin sa naganap na pamamahagi ang programang Gulayan sa Barangay kung saan nakatanggap ang mga benepisyaryong barangay ng mga kagamitan at suplay na nagkakahalaga ng P100,000. Kasama sa mga ito ang portable green thumb edible garden nursery, peat moss, blow molding watering sprinkler, net garden shade, plastic mulch, seedling tray, mini tiller, grab hoe, plant growth booster, food grade plastic crates, water plastic drum, wheel barrow, at assorted vegetable seeds.
Hinimok naman ng ahensya na gamitin ng mga kooperatiba ang ibinigay na kagamitan para higit na mapakinabangan ito.