23 BARANGAYS SA BAYAN NG MANAOAG, PINAGSISIKAPANG MAPABILANG SA TATLONG BARANGAY NA DRUG CLEARED NA

Pinagsisikapan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag katuwang ang iba pang ahensya na maging drug- cleared na rin dalawampu’t tatlo o 23 pa na mga barangay at tuluyang mapabilang at matulad sa tatlong barangay dito na drug-cleared na.
Alinsunod dito ang ilang mga hakbanging nagpapaigting sa pagsugpo sa kaso ng droga sa bayan gaya na lamang ng nasa dalawampung mga drug pushers at surrenderers ang sumuko at nabigyan ng pagkakataong magkaroon muli ng bagong buhay sa pamamagitan ng reformation program ng Balay Silangan sa nasabing bayan.
Matatandaan din na kamakailan lamang, pinasinayaan ang Balay Silangan Reformation Center ng bayan na nakatayo sa sa Barangay Pugaro na pamamalagian ng mga nasangkot sa ipinagbabawal na gamot at handang sumasailalim sa reformation program at makilahok sa mga aktibidad na pang-edukasyon, kalusugan, at psychosocial.
Samantala, ang mga natukoy na mga drug surrenderers ay mamamalagi sa nasabing reformation facility sa loob ng tatlong buwan kung saan lalahok ang mga ito sa iba’-ibang programa at dalawang buwan naman ay nakalaan para sa kanilang livelihood training.
Mag-uumpisa naman ang mga nasabing surrenderers sa kanilang reformation process sa buwan ng Mayo.
Facebook Comments