Nailigtas ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center ang 23 biktima ng human trafficking sa Caraga.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Red Maranan, nag-ugat ang entrapment at rescue operation sa tip mula sa isang concerned citizen kung saan isinumbong ang nasabing iligal na aktibidad.
Agad namang nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkaka-aresto sa tatlong human traffickers.
Agad namang dinala ang mga biktima na binubuo ng 19 na adult at apat na menor de edad sa local Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa proper custody, assessment and evaluation.
Habang ang tatlong perpetrators ay nahaharap sa paglabag sa RA 10364 Expanded Anti- Trafficking in Persons Act of 2012 at RA 7610.