23 CHILD LABORERS SA POZORRUBIO, SUMAILALIM SA INFORMATION AT SERVICE CARAVAN

Dalawampu’t tatlong (23) child laborers mula sa bayan ng Pozorrubio ang lumahok sa 4th Quarter Information and Service Caravan on Child Labor Prevention and Elimination na isinagawa sa Binalonan, Pangasinan.

Ang aktibidad ay bahagi ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at kaugnay ng pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month.

Layunin nitong maghatid ng impormasyon, suporta, at serbisyong nakatuon sa pangangalaga at karapatan ng mga bata.

Kasama ng mga child laborers ang kanilang mga magulang o guardian sa iba’t ibang aktibidad, kabilang ang information sessions, food stalls para sa mga bata, at mga larong inihanda upang gawing mas masaya at kapaki-pakinabang ang programa.

Facebook Comments