Naglaan ang Commission on Elections (COMELEC) Dagupan ng 23 contingency Automated Counting Machines (ACMs) na ide-deploy sakaling magkaroon ng aberya sa alinmang voting center sa lungsod.
Ayon kay COMELEC Dagupan Election Officer Atty. Michael Franks Sarmiento, ang mga backup na makina ay nakaantabay at gagamitin lamang kapag hindi na mareresolba ng Electoral Board at technical support team ang problema sa orihinal na makina—tulad ng sirang scanner o printer.
Binigyang-diin ni Sarmiento na kailangang dumaan sa tamang contingency protocol ng COMELEC bago palitan ang anumang may sira na ACM.
Ang pagpapalit ay dapat aprubado ng Central Office matapos ang assessment sa lugar. Bukod dito, tiniyak rin ni Sarmiento ang sapat na suplay ng kuryente sa Dagupan mula lima (5) araw bago at matapos ang halalan, alinsunod sa koordinasyon ng COMELEC sa local electric utility.
Sakaling magkaroon ng biglaang brownout, may 12-oras na battery life ang bawat makina upang hindi maantala ang proseso ng pagboto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments