23 COVID-19 patients, patay matapos tupukin ng apoy ang isang ospital sa Iraq

Aabot sa 23 katao ang nasawi habang higit 50 ang sugatan matapos tupukin ng apoy ang COVID-19 intensive care unit (ICU) sa isang ospital sa Iraq.

Ayon sa otoridad, nagsimula ang sunog nang sumabog ang storage ng mga oxygen cylinders sa nasabing ospital.

Nabatid rin na nasa 30 severe COVID-19 cases ang nasa loob ng pasilidad nang mangyari ang sunog na umabot hanggang sa ilang palapag.


Samantala, batay sa huling tala, pumalo na sa higit 1 milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Iraq.

Facebook Comments