23 COVID-19 Positive sa Region 2, Nakarekober

51

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng maraming bilang ng mga gumaling sa sakit na COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of October 10, 2020, dalawampu’t tatlo (23) ang naiulat na nakarekober sa rehiyon na naitala mula sa Lalawigan ng Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Sa probinsya ng Cagayan, labing dalawang (12) COVID-19 positive patients ang gumaling; lima (5) sa Isabela at anim (6) sa Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay umabot na sa 1, 647 katao ang naitalang kabuuang bilang ng nakarekober sa COVID-19 sa rehiyon dos.

Facebook Comments