23 bakuna para sa dengue ang pinag-aaralan ngayon ng Department of Health (DOH).
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.
Sinabi ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakuna ay nasa emergency medicine list ng World Health Organization (WHO).
Hindi naman aniya binanggit kung kasama rito ang kontrobersyal na Dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector.
Ito ay bagama’t una na ring sinabi ni Vergeire na isa sa ikinokonsidera nila ang Dengvaxia ngunit kailangan muling sumailalim ito sa masusing pag-aaral.
Mula January 1 hanggang June 25 ay umaabot na sa 64,797 ang kaso ng dengue sa bansa.
Facebook Comments