23 katao patay matapos gumuho ang bubong ng isang cremation facility sa India

Patay ang 23 katao at 15 din ang sugatan matapos gumuho ang bubong ng isang cremation facilty sa Uttar Pradesh sa Distrito ng Ghaziabad sa India.

Ayon sa otoridad, sumilong lamang ang ilang indibidwal sa nasabi pasilidad para magpatila ng ulan habang ang karamihan sa mga biktima ay dumalo sa burol ng yumaong kamag-anak.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinsalang tinamo.


Nagpaabot na ng pakikiramay at tulong sa pamilya ng biktima si Indian Prime Minister Narendra Modi at President Ram Nath Kovind.

Facebook Comments