Sa harap ng pangangailangan sa katatagan ng suplay ng karne ng baboy habang may banta ng pandemya, inihayag ng Department of Agriculture (DA) na may dalawamput tatlong probinsya ang nanatiling infected ng African Swine Fever (ASF).
Sa isang pulong balitaan, tinukoy ni DA Spokesperson Noel Reyes ang mga sumusunod na lalawigan:
1.Benguet
2.Ifugao
3.Kalinga
4.Mountain Province
Union
6.Pangsainan
- Cagayan
- Isabela
9.Nueva Vizcaya
10.Bataan
11.Bulacan
12.Nueva Ecija
13.Pampanga
14.Tarlac
15.Aurora
16.Batangas
17.Cavite
18.Laguna
19.Quezon
20.Rizal
21.Camarines Sur
22.Davao del Sur
23.Davao se Norte
Nanatili namang free zone o ASF free sa ang Region 4 b katulad ng Catanduanes at Masbate, Visayas maliban sa Davao del Sur at Occidental, Region 5 maliban sa Pangasinan, Cordillera Administrative region at Region 2.
Isinailalim naman sa Surveillance zone ang Region 4 at Central Luzon dahil sa mataas na kaso ng ASF.
Nasa containment stage na ang mainland Luzon.
Aminado si Reyes na deficit ng 31 days ang suplay ng baboy sa bansa ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine kung kayat kakailanganin na ang suplay mula Visayas at Mindanao.
Payo ng DA, kumain na lamang muna ng karne ng manok ang mga consumers dahil may oversupply naman ng manok.