Cauayan City, Isabela- Binigyan ng gantimpala mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela at Department of Health Region 02 ang 23 na mga bayan at Syudad na nakaabot ng 70% vaccination rate sa probinsya.
Ang 23 na mga LGU’s ay kinabibilangan ng Angadanan, Aurora, Burgos, Cabatuan, Cauayan City, City of Ilagan, Dinapigue, Delfin Albano, Gamu, Jones, Luna, Maconacon, Mallig, Naguilian, Quezon, Quirino, Ramon, Reina Mercedes, Roxas, San Guilliermo, San Mariano, San Manuel at Sta. Maria.
Tumanggap ang mga nabanggit na LGU ng halagang tig Php30,000.00. bilang reward ng mga ito sa kanilang mabilis na pagbabakuna kaya’t naabot at nalampasan ang 70% target population.
Mula 23 LGUs, pinakamataas ang vaccination rate ng bayan ng Luna na umaabot sa 103.3%, sinundan ng Reina Mercedes na may 96.7%, Gamu na may 88.4%, Cabatuan na may 80.6% at Mallig na may 80.0%.
Naabot din ang 70% ang nabakunahan sa target population ng Cauayan City, Burgos, Quirino, City of Ilagan, Delfin Albano, San Manuel, Quezon, Jones, Dinapigue, Roxas, Angadanan, Aurora, Ramon, Santa Maria, San Mariano, Naguillan, San Guillermo at Maconacon.
Samantala, umaabot na sa 401, 050 na katao sa probinsya ng Isabela ang nabigyan na ng 2nd dose o kumpletong bakuna kontra COVID-19.