Nasa 23 Local Government Units sa NCR plus ang humihiling na palawigin pa ang deadline sa pamamahagi ng cash assistance.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), tatlo sa mga LGU ang nagmula sa Metro Manila, dalawa sa Rizal, dalawa sa Laguna, Cavite at 14 sa Bulacan.
Batay sa inilabas na guidelines ng DILG, kinakailangang sa loob nang 15 araw ay naipamahagi na ang tulong pinansiyal sa mga residenteng apektado ng ipinatupad na dalawang linggong Enhanced Community Quarantine.
Nasa P22.9 billion ang inilaan ng pamahalaan na pondo bilang ayuda kung saan makakatanggap ang bawat isang residente ng ₱1,000 habang ₱4,000 sa isang pamilya.
Facebook Comments