23 milyong mag-aaral at 950,000 teachers, ibinahagi ang pag-unlad ng mga kagamitan sa pagbabasa ayon sa DepEd

Ibinida ng Department of Education (DepEd) na ang paglago ng mga kagamitan sa pagbabasa ay umaabot na sa mahigit 23 million na mag-aaral at 950,000 teachers nang pasinayaan ang virtual ng 2021 National Reading Month.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio sa pamamagitan ng pag-unlad ng kagamitan sa pagbabasa ang mga mag-aaral ay maaari ng masusukat ang kanilang pag-unlad sa pagbabasa at makukuha naman ang pagbabasa ng hindi na kinakailangan pa ang gabay ng mga guro.

Paliwanag ni San Antonio, madaling masusukat na umano ng mga guro ang pag-unlad ng mga estudyante sa kanilang pagbabasa.


Dagdag pa ng opisyal na kumbinsido umano siya na kung ang lahat ay magsasama-samang magtrabaho para matiyak na ang bawat kabataan ay magiging mahilig na magbasa ay tiyak ay magkakaroon ng isang kalidad na estudyante.

Ang Nationwide Celebration ng Reading Month ay layong ipalaganap ang pagmamahal ng mga estudyante sa pagbabasa at ang buong school community.

Giit naman ni Bureau of Learning Delivery Director Leila Areola na dapat tiyakin din ng eskwelahan na ang mga mag-aaral na mauunawaan ang kahalagahan ng pagbabasa.

Facebook Comments