23 milyong mga estudyante, naka-enroll na; Learning modules para sa unang 2 linggo ng pasukan, ipapamahagi na

Mahigit 23 milyong estudyante mula kinder hanggang grade 12 sa pampubliko at pribadong paaralan ang naka-enroll na, katumbas yan ng mahigit sa 83% ng kabuuang enrollment noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni Department of Education o DepEd Undesecretary Nepomuceno Malaluan sa pagdinig ngayon ng Committee on Basic Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian.

Base sa datos ng DepEd, lumalabas naman na 380,000 na mga mag-aaral mula sa private schools ang lumipat sa public schools.


Sa pagdinig, sinabi ni Usec. Malaluan na maipapamahagi na ng lahat ng paaralan ang mga self-learning modules na para sa unang dalawang linggo ng pasukan na magsisimula sa August 24, 2020.

Sabi pa ng DepEd, 33% ng mga paaralan ang nasa higit 50% na ang printing ng self-learning modules.

Habang 61% naman ay nasa halos 50% na ang printing ng self-learning modules na magagamit sa buong first quarter o unang dalawang buwan ng pasukan.

Bukod dito, ay binanggit din ng DepEd sa Senate Hearing na sinusubukan nilang i-convert ang ilang modules sa educational videos o radio scripts para maidaan sa broadcast medium na radyo o telebisyon.

Facebook Comments