23 na checkpoints, itinatag sa Quezon City upang mahigpit na ipatupad ang uniform curfew

Nagtatag ng 23 checkpoint ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours sa lungsod.

Sinabi ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo Macerin na pangangasiwaan ng 16 na police stations ang mga checkpoints at susuportahan ng mga beat at mobile car patrollers na umiikot sa barangay level.

Tiniyak ni Macerin na mas magiging agresibo ang QCPD sa paghihigpit upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.


Umabot sa 668 ang hinuling violators ng QCPD sa unang araw ng pagpapatupad ng uniform curfew.

Ito’y mula alas-10:00 ng gabi ng March 15 hanggang alas-5:00 ng umaga ng March 16.

Pinakamaraming lumabag sa curfew ang hinuli ng Police Station 1 na umabot sa 91 violators.

Sinusundan ng PS-3 ng QCPD na may 90 na lumabag at Police Station 16 na may 83 violators.

Facebook Comments