Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na meron 23 na mga frontliner ang nag-reactive ang resulta matapos ang ginawang dalawang araw na Coronavirus Rapid Test.
Ayon kay Mayor Sotto, sumasailalim na ito sa 14 days quarantine habang hinintay ang resulta sa confirmatory test sa pamamagitan ng Polymerase chain reaction test.
Anya meron 875 na mga frontliner ng lungsod ang sumailalim sa nasabing rapid COVID-19 testing.
Matatandaan, nakipagkasundo ang Pamahalaang lokal ng Pasig sa Medical City para simulan ang mass testing sa frontliners ng lungsod.
Kung saan nagsimula ito noong April 22 at natapos kahapon pasado nala-1:30 ng hapon.
Samantala, ang Pasig City ay merong 274 na bilang ng mga confirmed cases ng COVID-19, 63 ang mga nakarekober mula sa sakit na dulot ng virus, at 49 naman ang mga nasawi.
Nasa 79 naman ang bilang ng suspected cases at 122 ang bilang ng probable cases ng Coronavirus, batay sa pinakabagong tala ng Pasig City Heath Office.