23 naarestong illegal POGO workers, naghain ng not guilty plea sa Pasay RTC

23 indibidwal na sangkot sa illegal operations ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang naghain ng not guilty sa Pasay Regional Trial Court Pasay Regional Trial Court Branch 111.

Kaugnay ito ng kanilang kasong paglabag sa Republic Act (RA) 8799 o Securities Regulation Code in relation to RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Hiniling din ng Chinese respondents na maipagpaliban ang arraignment sa kaso habang wala pa silang nakukuhang accredited interpreter.


Una nang bumuo ng tracker team ang Department of Justice.

Facebook Comments