23 nayon sa Cabugao town sa Ilocos Sur province, isinailalim na sa Extreme Enhanced Community Quarantine

Isinailalim na sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) simula kahapon, (September 5) ang 23 sa kabuuang 33 nayon sa Cabuago town sa Ilocos Sur province.

Ayon kay Cabugao Mayor Edgardo Cobangbang Jr., ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 na nakakaalarma na para sa lokal na pamahalaan.

Ang mga nayon na nasa EECQ ay ang; Alinaay, Arnap, Baclig, Bonifacio, Bunglo, Cacadiran, Caellayan, Carusipan, Catucdaan, Cuancabal, Cuantacla, Daclapan, Dardarat, Margaay, Namruangan, Pug-os, Quezon, Rizal, Sabang, Sagayaden, Salapasap, Salomague at Turod.


Mananatili naman sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang natitirang sampung nayon sa Cabuago town.

Facebook Comments