Umabot na sa 23 opisyal mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon ang sumali sa partidong Aksyon Demokratiko, isang araw matapos ihayag ni Party President at Manila Mayor Isko Moreno ang pagiging standard bearer sa 2022 national elections.
Sa bilang ng mga bagong miyembro, 6 ang nagmula sa Nacionalista Party, 5 mula Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban, 3 ang independent politicians, 2 ang nagmula sa National Unity Party at isa ang nagmula sa Lakas-CMD, Laban ng Demokratikong Pilipino, Nationalist People’s Coalition at Liberal Party.
Dalawa ang nagmula sa Sangguniang Kabataan.
Na-overwhelm at nagulat naman si Moreno dahil sa dami ng lumahok na halos representasyon na ng buong Luzon.
Paliwanag naman ni Aksyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel Jr., ang mga lumahok ang mga susunod na mga gobernador at alkalde sa kanilang mga bayan.