23 pang mga Pinoy na na-rescue sa Laos, nakauwi na rin ng Pilipinas

Dumating na rin sa bansa ngayong umaga ang 23 pang mga Pinoy na nailigtas mula sa scam syndicate sa Laos.

Sila ay mula sa 73 Pilipinong nailigtas mula sa mga kumpanyang iligal na nag-o-operate sa Bokeo Province sa nasabing bansa.

Una nang nakauwi sa bansa kahapon ang siyam na iba pang Pinoy na nailigtas mula sa Golden Triangle Special Economic Zone sa Laos.


Nagpapatuloy pa rin ang crackdown operation laban sa iligal na mga kumpanya sa nasabing economic zone sa Bokeo Province.

Facebook Comments