23 PULIS SA STA. BARBARA, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Umabot sa dalawamput tatlong mga person in uniform o pulisya sa bayan ng Sta. Barbara ang panibagong nagpositibo mula sa COVID-19.

Ang mga pulis na nagpositibo ay mga namamalagi na ngayon sa isolation facility ng bayan kung saan sila ay masusing binabantayan at mino-motor.

Ang mga pulis naman na nasa himpilan ay naglagay ng bagong set up sa labas ng kanilang himpilan upang sa gayon ay makapagbigay pa rin ito ng serbisyo para sa publiko na nais ng serbisyo ng mga ito.


Sarado naman din ang himpilan upang isagawa ang massive disinfection dito upang mapanatili naman ang kaligtasan ng mga nagtutungo sa lugar.

Samantala, patuloy naman din ang ginagawang massive disinfection na pinangangasiwaan ng BFP Sta. Barbara sa mga lugar na nakapagtala ng positibong kaso ng COVID19.

Facebook Comments