23 taong gulang na ‘cryptocurrency king’ arestado ng PNP-CIDG

Nahaharap ngayon sa kasong large scale estafa ang 23-anyos na lalaki matapos maaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang operasyon sa Parañaque City kaninang madaling araw.

Kinilala ni PCol. Thomas Valmonte, Chief ng Legal Division ng PNP-CIDG ang suspek na si Vance Joshua Tamayo, negosyante at residente ng Talaba Olympia, Makati City.

Si Tamayo ay itinuturing na crytocurrency king matapos makapanloko ng milyon-milyong halaga sa kanyang mga investors.


Modus ng suspek na mangako ng 4.5 percent monthly interes sa mga iniinvest sa kanyang pera.

Bukod kay Tamayo, naaresto rin ng mga tauhan ng PNP CIDG ang umano’y secretary ni Tamayo na si Gerome Viñas Laries.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP-CIDG Regional Field Unit (RFU) National Capital Region (NCR) ang 2 habang inihahanda ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Facebook Comments