Nakatanggap ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ang dalawang libo at tatlong daang magsasaka sa bayan ng San Nicolas.
Ito ay sa ilalim ng Department of Agriculture Regional Field Office 11 (DA-RFO1) mula sa nakolektang taripa sa pagpapatupad ng Republic Act 11203 na kilala bilang “Rice Tariffication Law (RTL).”
Nasa limang libo naman ang halaga ng financial assistance na naibahagi sa bawat magsasaka sa bayan.
Samantala, hinikayat ng alkalde ang mga hindi pa rehistradong mga magsasaka sa RSBSA na asikasuhin na ito at magtungo sa CAO upang maproceso ang kanilang dokumento at mapabilang sa mga benepisyaryo ng mga programa ng DA. |ifmnews
Facebook Comments