23,000 Pilipino, nanganganib na mawalan ng trabaho sakaling ipagbawal ang POGO sa bansa ayon sa isang grupo

Inihayag ng grupong Assoication of Service Providers and POGOs (ASPAP) na mawawalan ng trabaho ang aabot sa 23,000 Pilipino sakaling ipagbawal ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay ASPAP spokesperson Atty. Mike Danganan, mas maraming Pilipino ang ine-employ ng mga POGO companies kumpara sa mga dayuhan.

Handa naman aniya ang ASPAP na makipag-ugnayan sa mga otoridad upang masawata ang mga ilegal na POGO at mga kadikit nitong kriminalidad.


Handa rin ang Department of Justice (DOJ) na makipag-ugnayan sa grupo pero sa ngayon ay nakatuon sila sa pag-crack down ng mga ilegal na POGO.

Ang ASPAP ay mayroong 16 na PAGCOR-licensed POGOs at 68 service providers.

Facebook Comments