23,000 taxi at TNVS, inaasahang bibiyahe ngayong araw – LTFRB

Nasa 23,000 taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS) ang papayagan nang bumiyahe ngayong araw kasabay ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), inaprubahan nila para bumiyahe ang karagdagang 17,000 TNVS units, para sa kabuuang 23,067 units.

Karamihan ng mga units ay TNVS na nasa 18,620 habang ang mga taxis ay nasa 4,438.


Nilinaw ng LTFRB na walang taas-pasahe na mangyayari at nire-require nila ang cashless transaction para sa pagbabayad ng pamasahe.

Una nang nag-anunsyo ang Grab Philippines sa mga safety measures na ipapatupad nila kabilang ang no-contact policy, maging ang paglilimita sa bilang ng pasahero.

Facebook Comments