Ang eksaminasyon ay pinangasiwaan ng Department of Science and Technology (DOST).
Ang examinees na papasa ay kwalipikado sa Education for Development Scholarship Program (EDSP) at sa Congressional Migrant Workers Scholarship Program (CMWSP) ng OWWA.
Ang EDSP ay scholarship program na nag-aalok ng financial assistance sa mga kwalipikadong dependents ng active OWWA members na mag-eenrol o kasalukuyang enrolled sa kahit anong four-year o five-year baccalaureate course sa alin mang koleheyo o unibersidad.
Financial assistance na Php 60,000 kada taon ang makukuha ng scholars.
Samantalang ang CMWSP ay scholarship program para sa deserving migrant workers o kanilang immediate descendants na nais kumuha ng baccalaureate courses sa priority fields sa Science and Technology.
Ang Qualified applicants ay entitled ng Php 60,000 na halaga ng scholarship grant kada taon na popondohan naman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
232 OFWs at dependents ng mga ito ang kumuha ng EDSP/CMWSP Qualifying Examination!
Facebook Comments