236 CORE SHELTER UNITS, IPINAMAHAGI SA MGA NASIRAAN NG BAHAY SA QUIRINO

Cauayan City, Isabela- Naipasakamay na ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) ang nasa 236 core shelter units sa mga pamilyang nasiraan ng bahay sa bayan ng Nagtipunan, Quirino.

Ang mga naturang pamilya ay nawalan ng bahay dahil sa pagtama ng Super Typhoon Juan noong taong 2011 at Bagyong Labuyo noong 2014.

Galing sa iba’t-ibang barangay ng Nagtipunan ang nasabing bilang ng benepisyaryo kung saan bawat isang pamilya ay nabigyan ng pabahay na nagkakahalaga sa P70,000.

Umaabot naman sa P16,520,000 ang kabuuang halaga ng naipamahagi ng nasabing ahensya sa mga benepisyaryo.

Idinonate naman ng LGU Nagtipunan ang lupa na pinagtayuan ng bahay ng mga benepisyaryo at nabigyan din ang mga ito ng tulong pinansyal na pinandagdag sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Samantala, ipinamahagi rin ng ahensya sa mga benepisyaryo ang certificate na nagpapatunay na pag-mamay-ari nila ang bahay at lupa.

Facebook Comments