100 percent nang recovered mula sa sakit na COVID-19 ang 236 na kadete at 13 tauhan ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos sumailalim sa 21 araw na quarantine.
Pero ayon kay PNPA Director Police Major General Gilberto Cruz, natuklasan naman nila na 43 sa mga close contacts ng mga nakarekober ay nagpositibo rin sa virus.
Ito’y matapos na muling isailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) ang 1,451 kadete at personnel ng akademya nitong September 28, 2020.
Maliban dito, apat aniya sa 38 na bagong-assign na empleyado sa PNPA ang natukoy rin na positibo bago pa man sila magsimula ng kanilang assignment.
Sa ngayon, tiniyak ni Cruz na ang top priority ng PNP ay ang recovery ng lahat ng kanilang mga tauhan kasabay ng pagsiguro sa mga magulang ng mga kadete na maayos ang pangangalaga ng akademya sa kalusugan ng kanilang mga anak.