Baguio City, Philippines – Opisyal ng nagsimula ang Panagbenga Festival 2018 dito sa Baguio City.
Isang opening parade ang nagpasimula ng selebrasyon na pinangunahan ng mga opisyales ng lungsod na sinundan naman ng mga kalahok para sa drum and lyre competition elementary division. Kabilang din sa mga nakibahagi sa parada ang iba’t-ibang grupo at organisasyon dito sa Baguio City.
Ang ika-23 taong Panagbenga Festival ay may temang “Celebration of Culture and Creativity”. Ito ay sumasalamin sa pagkakatalaga sa lungsod bilang UNESCO Creative City for Crafts and Folk Art.
Isa rin sa pinakaaabangan ang grand street dance na gaganapin sa Pebrero 24 at grand float parade sa Pebrero 25.
Facebook Comments