Ipaprayoridad ng pamahalaan na bigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang nasa 24.6 million na Pilipino kabilang ang frontline health workers.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, unang makatatanggap ng bakuna ang 1.76 million health workers mula sa public at private health facilities.
Kasama rin sa mababakunahan ay 3.78 million indigent senior citizens, 5.67 million na natitirang senior citizens, 12.91 million na natitirang indigent population, at 525,523 uniformed personnel.
Sinabi ni Roque na 22.8% ng populasyon ng bansa ang unang makakatanggap ng bakuna.
Ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 tulad ng Metro Manila, Cebu at Davao ang ipaprayoridad sa vaccination program.
Facebook Comments