CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang paglulunsad ng Project: “Alibtak! Tawag at Aksyon Agad” na ginanap sa Ramon Police Station, Bugallon Proper, Ramon, Isabela.
Dinaluhan ito ng mga barangay officials at kinatawan mula sa ibat’ ibang barangay ng naturang bayan.
Ang programa ay naglalayong magtatag ng 24/7 Barangay Hotline na bukas anumang oras na kakailanganin ang tulong ng kapulisan.
Dagdag pa rito, sa ganitong paraan ay masisiguro ang siguridad ng mamamayan at mababawasan ang ano mang uri ng insidente, gayun din na mapabuti ang pagtugon sa mga posibleng emergency sa lugar.
Mag sisilbing tulay rin ang ugnayan ng mga barangay officials at kapulisan sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at tahimik na komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Fernando Malillin, Chief of Police ng Ramon PS, samantala, naging pangunahing tagapagsalita naman ang kinatawan ng Municipal Local Government Operations Officer na si Mrs. Juliet Bautista.