24/7 BGD Command Center, Handang Tumanggap sa Sumbong ng Bayan

Cauayan City, Isabela- Nananawagan ngayon sa publiko ang lokal na pamahalaan ng Cauayan na ipagbigay-alam sa “Sumbungan ng Bayan” hotline ang sinumang lumabag sa umiiral na safety protocols laban sa COVID-19.

Hakbang ito ng pamahalaan upang mapagaan at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa lungsod.

Malaki anila ang papel na ginagampanan ng bawat Cauayeño sa prevention and detection strategies kung kaya’t kailangan ang kaliwa’t kanang kampanya para matiyak na susunod sa safety protocols ang mamamayan.


Handang-handa umanong tumanggap ng sumbong 24/7 ang kanilang command center upang tugunan ang mga posibleng paglabag ng ilang indibidwal sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng siyudad dahil sa pandemya.

Maaaring tumawag sa numerong 0997-727-5090,0927-716-9220, 0917-129-5922 (Globe) at 0923-676-5094 (Sun Cellular) o i-message ang “Sumbungan ng bayan” sa kanilang facebook page accounts (Benjamin G. Dy, Cauayan City Local Government, Cauayan City COVID-19 Task Force).

Katuwang rin ang 98.5 iFM Cauayan sa pagbibigay impormasyon at paalala sa publiko ngayong humaharap ang lahat sa mapanganib na COVID-19.

Facebook Comments