24/7 POLICE RESPONSE SA MANGALDAN, IPINAKALAT SA APAT NA BORDER CONTROL POINTS

Itinalaga sa apat na border control points sa Mangaldan ang 24/7 na pagbabantay ng kapulisan upang tumugon sa anumang emergency.

Alinsunod ang direktibang ito sa 5-minute response ng hanay ng kapulisan sa mga strategic locations sa bayan upang mas mabilis na maabot ng kapulisan ang kinaroroonan at pangangailangan ng mga residente.

Matatagpuan ang mga border control points sa Brgy. Salay na sakop ang mga residente mula Brgy.Bantayan hanggang Talogtog; isang pang border control sa Brgy.Embarcadero para sa mga taga barangay Pogo hanggang Tebag; Brgy Poblacion para sa mga tage Guiguilonen hanggang Gueguesangen; at Brgy. Anolid para sa mga residente mula Brgy. Alitaya hanggang Malabago.

Inaasahan sa pamamagitan ng mas pinalawak na border control ng kapulisan, maiiwasan ang anumang krimen, masasaklolohan ang mga nangangailangan at mapagtibay ang ugnayan ng publiko sa mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments