Simula ngayong araw maaari na ang take-out at magpa-deliver ng pagkain 24 oras.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia nagkasundo ang lahat ng Metro Manila mayors na payagan ang ganitong sistema.
Sinabi ni Garcia na sa pamamagitan nito ay maaaring makakain ang mga health workers at iba pang may trabaho, pero hindi na makalabas ng bahay dahil sa umiiral na curfew.
Sa pamamagitan din aniya nito ay matutulungan ang mga food establishments na maka-survive.
Paliwanag pa ni Garcia, exempted sa curfew ang food partners ng mga restaurant para sila ay makapag -deliver.
Kinakailangan lamang aniyang ipakita ng mga ito ang kanilang ID sa mga checkpoints.
Facebook Comments