24.9% positivity rate, ikinaalarma ni Robredo; contact tracing at testing, palakasin!

Ikinaalaram ni Vice President Leni Robredo ang pagsipa ng COVID-19 positivity rate ngayong Agosto.

Araw ng Sabado, August 14, nang umabot sa 24.9% ang positivity rate na lampas sa international standard na mababa pa dapat sa 5%.

Dahil dito, muling ipinanawagan ng bise presidente ang pagpapataas ng testing capacity na magagawa lang din aniya kung malakas ang contact tracing ng bansa.


“Ilan ba yung tinest dun sa record kahapon, parang 52,000. Ito pa rin yung level natin ng testing since last year. Lagi nating pinu-push na dagdagan yung number of test kasi ‘pag hindi natin dinagdagan, tataas lang ‘to nang tataas kasi baka ang dami nang infected na hindi nate-test” ani Robredo.

“Minsan, kahit available ang test, mahina ‘yung contact tracing, so talagang kulang yung naka-line up na ite-test kasi hindi nagte-trace enough,” dagdag pa niya.

Maliban sa contact tracing, isa rin sa nakikitang dahilan ng mababang testing capacity ng bansa ang accessibility at affordability dahil sa mahal na COVID-19 testing.

Una nang ipinanawagan ni Robredo na pataasin ang testing capacity ng bansa ay magsagawa ng 1 million vaccination kada araw para agad na maabot ang tarte na herd immunity.

Facebook Comments