24 Anyos, Arestado sa Pagtutulak ng Droga

31

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang lalaki matapos magpositibo sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad sa Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Arman Pilar, 24 anyos, at residente ng Centro 2, Angadanan, Isabela.


Sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng PNP Alicia ay nabentahan ng suspek ng isang (1) plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu ang isang poseur buyer kapalit ang halagang Php500.00.

Nagresulta ito sa kanyang pagkakahuli na kung saan ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang limang daang piso na marked money at isang (1) unit ng cellphone.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kanyang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments