Cauayan City, Isabela- Isinailalim sa ‘red zone’ ang 24 barangay sa Lungsod ng Cauayan dahil sa posibleng pagkahawa ng ilang alagang baboy sa sakit na African Swine Fever (ASF).
Ayon kay City Mayor Bernard Dy, hihintayin muna ang confirmatory test mula sa Department of Agriculture para sa mga samples na kanilang naipadala sa ahensya para ito ay masuri kung talagang tinamaan ng ASF ang ilang alagang baboy sa siyudad.
Kinabibilangan ito ng mga barangay ng Minante 1, Minante 2, Marabulig 1, Marabulig 2, Pinoma, Nagrumbuan, Nungnungan 1, Nungnungan 2, Sillawit, Alinam, Faustino, San Francisco, San Antonio, San Isidro, Amobocan, Naganacan, District 1, Sta. Luciana, Buena Suerte, Villa Concepcion, Manaoag, Gappal, San Fermin at Baringin Sur.
Paliwanag ng alkalde, may ilang baboy sa mga nabanggit na barangay ang nanghihina at nauuwi sa pagkamatay ng mga ito.
Giit pa nito, nakakaalarma ang ganitong sitwasyon sakaling magkaroon ng positibong kaso ng ASF ay siya namang kakulangan ng suplay ng karne ng baboy sa lungsod.
Umaasa naman naman ang opisyal na nasa normal na sakit lang ang mga baboy at hindi mauwi sa kinatatakutang sakit na ASF.
Nananawagan din ito sa publiko ng kooperasyon upang ipagbiga-alam kung may nakikitang nagkakatay ng baboy sa hindi tamang lugar at proseso.