24 DATING MIYEMBRO NG INSURGENT GROUPS SA REHIYON UNO, BOLUNTARYONG SUMUKO NOONG ENERO

Dalawampu’t apat na indibidwal na may kaugnayan sa iba’t ibang insurgent groups ang boluntaryong sumuko sa Police Regional Office 1 (PRO-1) noong Enero 2026.

Ayon sa ulat ng PRO-1, tatlo sa mga sumuko ang kinilalang miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT), anim ang CNT supporters, labing-apat ang dating kasapi ng Communist Front Organization (CFO), at isa naman ang miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO).

Ayon sa PRO-1, naging posible ang mga pagsuko dahil sa patuloy na intelligence operations at sa pinaigting na pagpapatupad ng whole-of-nation approach ng pamahalaan laban sa insurhensiya.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng kapulisan ang iba pang miyembro at tagasuporta ng mga armadong grupo na sumuko sa ilalim ng mga umiiral na batas at programa ng pamahalaan.
Nakikipag-ugnayan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng pagkakataon ang mga dating rebelde na magbagong-buhay at makabalik sa normal na pamumuhay.

Facebook Comments