24 FLOOD MITIGATION PROJECTS SA DAGUPAN CITY, ININSPEKSYON

Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ang dalawamput apat na flood mitigation projects sa Dagupan City bilang pagtitiyak sa kahandaan ng mga ito para maprotektahan ang mga residente.

Pinuntahan ng alkalde ng lungsod kasama ang PNP Dagupan, City Engineering Office at CDRRMO ang mga nasabing flood mitigation projects nang sa gayon ay nasisigurong magagamit ng tama sa oras ng pangangailangan tulad ng paparating na kalamidad.

Dapat na matiyak ang katatagan at kalidad ng mga nasabing imprastraktura dahil dito nakasalalay ang proteksyon ng mga pamilya, kabahayan, at pangkabuhayan na naninirahan sa lungsod.

Bukod dito ay ilan pang proyekto ang isinasagawa sa lungsod tulad ng mga road elevation at drainage upgrade sa mga barangay at pangunahing kalsada na may layong maibsan ang pagbaha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments