24-hour mobile checkpoint operation, ikakasa ng PNP-HPG laban sa mga motoristang pasaway sa ECQ

Magkakasa ng 24-hour mobile checkpoint operations ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) higit isang linggo bago matapos ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay HPG Chief Brig. Gen. Eliseo Cruz, layon nitong malimitahan ang hindi mahahalagang biyahe ng publiko para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Exempted naman dito ang mga healthcare workers, emergency frontliners, mga pulis at sundalo at mga naghahatid ng basic goods at services.


Ayon kay Cruz, isa hanggang dalawang porsyento ng mga nasisita sa EDSA ay mga hindi otorisadong lumabas para bumiyahe.

Kahapon, aabot sa 65 motorista ang natiketan ng HPG dahil sa paglabag sa lockdown.

Maliban sa 24/7 mobile checkpoint operation, patuloy ding ipatutupad ng HPG ang ‘oplan sita’ at ‘oplan habol’.

Facebook Comments