24-hour operation ng command center ng NGCP, ipinatupad na ngayong araw

Bukas na ngayong araw ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang kanilang over all command center.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng NGCP para tiyakin ang maayos na operasyon ng mga power transmission at pasilidad kaugnay ng 2019 election.

Ayon sa NGCP, mayroon na rin silang contingency plan para i-monitor at mabilis na matugunan ang mga magiging problema sa mga power grid.


Bagaman holiday tiniyak ng NGCP na full force ang kanilang mga tanggapan kabilang ang kanilang systems operation at operations maintenance.

 

Facebook Comments