24 HOURS CHECKPOINT IPAPATUPAD SA BUONG ILOCOS REGION

Titiyakin ng pamunuan ng Police Regional Office 1 ang pagpapatupad ng mas mahigpit pang mga Police Operation sa buong Ilocos Region bunsod ng papalapit na National and Local Election sa Mayo 9, 2022 kung saan ito ang siniguro ni PBGEN Westrimundo Obinque sa kanyang kauna-unahang Radio Guesting bilang Regional Director ng PRO1 na na-ere noong linggo Marso 20, 2022 sa espesyal na edisyon ng Isumbong Mo sa PRO1 sa IFM Dagupan.

Isa na rito ang pagtatalaga ng 24 hours COMELEC Checkpoint Operation sa buong Region 1 bunsod ng pagbubukas ng local campaign activities ng mga local politicians na magsisimula naman sa Marso, 25 ngayong taon.

Hangarin ng nasabing checkpoint na mas lalo pang mapalakas ang kampanya laban sa paglabag sa umiiral na COMELEC Gun Ban na epektibo hanggang buwan ng Hunyo at upang magkaroon ng mabilisang pagresponde kung sakaling magkaroon man ng mga insidente na may kinalaman sa eleksyon.

Kaugnay nito, hinikayat ni RD Obinque ang lahat ng mga local politicians sa Rehiyon Uno at ang kani-kanilang mga taga suporta kabilang na ang mga botante at mamamayan na makiisa sa hangarin ng lahat na magkaroon na Safe, Accurate, Fair and Free Election 2022. | PR01 News

Facebook Comments