Lubog pa rin sa baha ang 182 lugar sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa epekto ng shear line at Low Pressure Area.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawang lugar ang baha sa Mimaropa, 41 lugar sa Western Visayas, at 139 lugar sa Eastern Visayas.
Habang 92 kalsada at apat na tulay ang naapektuhan ng pagbaha, kung saan ilan ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista.
Naapektuhan din ang 103 kabahayan, kung saan 16 ang totally damaged at 87 ang partially damaged.
Patuloy na inaalam ang halaga ng epekto ng pagbaha sa ilang rehiyon.
Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang 24 lungsod at munisipalidad sa Eastern Visayas dahil sa naranasang pagbaha.
Facebook Comments