Na-rescue ng Philippine National Police (PNP) ang 24 na kababaihan na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo, nag-ugat ang rescue mission sa isang intel report hinggil sa umano’y mga babae na itinatago sa 3 condo units sa Parañaque City para sa human trafficking activity.
Agad namang nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad dahilan para masagip ang mga babae na ang 16 dito ay Vietnamese habang ang 8 ay Chinese nationals.
Sa nasabing operasyon, 2 Chinese nationals ang naaresto ng mga awtoridad.
Dinala na ang mga biktima sa Women and Children’s Protection Desk para sa proper documentation at nakatakda namang ipagharap ng kaso ang mga nahuling suspek.
Facebook Comments