24 na Barangay na naging main battle area sa Marawi, patuloy na tinututukan ng militar

Manila, Philippines – Nakatutok pa rin ang militar sa Main battle area sa lungsod ng Marawi.

kasunod ito nang naging pahayag ng naarestong indonesian terrorist na si Muhammad Ilham Syahputra na may 39 pa silang mga kasamahan ang nanatili sa main battle area.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner patuloy nilang beneberipika ang impormasyong ito mula kay Syahputra.


Magkagayunpaman hindi tumitigil ng clearing operation ang militar sa main battle area.
Naniniwala si Brawner na may natitira pang banyagang terorista sa loob ng main battle area ngunit kumpyasa silang ang mga natitirang kalaban ay hindi na serious threat at kayang kaya na nang tapatan ng mga nakadeploy na sundalo at pulis sa main battle area.

Facebook Comments