Maguindanao, Philippines – Aabot sa 24 na libong katao ang naapektuhan ng ilang araw na isinagawang focused military operation laban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF sa Maguindanao.
Ayon kay Jo Henry, ang information officer ng ARMM – Humanitarian Emergency Action and Response Team o HEART, ang 24 na libong kataong ito ay nakatira sa anim na bayan.
Ito ay ang mga lugar ng Datu Salibo, Shariff Saydona Mustapha, Sharif Aguak, Guindulungan, Datu Unsay at Datu Saudi Ampatuan.
Sa ginawang assesment ng mga taga-Provincial Social Welfare and Development o PSWD kanina, 4,867 pamilya o 24,000 katao ang naaapektuhan ng sagupaan.
Pinakamaraming naapektuhan ay sa Datu Salibo na may bilang na 1865 pamilya.
Sa Sharif Saydona naman ay mayroong 2 evacuation centers ang binuksan kung saan nanatili ang 120 na pamilya.
DZXL558