24 na miyembro ng NPA na suspek sa pagpatay kay Keith at Nolven Absalon, nasampahan na ng kaso ng PNP

Isinampa na ng mga imbestigador ng Masbate City Police Station ang kasong murder at frustrasted murder laban sa 24 na miyembro ng New People’s Army (NPA) na umano’y responsable sa pagkamatay ng FEU football player na si Keith Absalon at pinsan nitong si Nolven Absalon, maging pagkasugat ni Chrysvine Daniel Absalon.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Steve dela Rosa, Chief of Police ng Masbate City Police Station.

Aniya, nitong nakalipas na June 21 nang isampa ang mga kaso laban sa 24 na suspek na NPA sa Masbate Prosecutors Office.


Ang mga miyembro ng NPA na umano’y responsable sa pagpatay sa magpinsan na sinampahan na ng kaso ay sina Eddie Rosero, Lara Lagac, Sonny Diamos, Eddie Basical Eser, Mario Esparaguerra, Capitalio Mallo, Diolito Medina, Arlene Salazar Rance, Lloyd Mores Escorel at Ronel Plana Rodio.

Nasamphan din ng kasong murder at frustrated murder sina Jomar Tugbo, Jemuel Dublin, Allan Goyala, Dolores Bilibit, Jhun Bilibit, Lenie Cabarles, Richard Laurio, Rolly Hermina, Jesmar Noel Jesmar, Marla Cańete Suson, Maila Cańete Suson, Mariel Cańete Suson, Gilbert Turing at Allan Uling.

Matatandaang una nang umamin ang CPP-NPA na mga tauhan nila ang nakapatay sa magpinsan sa Barangay Anas sa Masbate City kamakailan.

Facebook Comments