24 na paaralan sa Makati na gagawing vaccination sites, tinukoy na pamahalaang lungsod

Inilabas na ng pamahalaang lungsod ng Makati ang listahan ng mga pampublikong paaralan na gagawing vaccination sites ng naturang lungsod.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, 24 na public schools ay gagamitin bilang vaccination site ng lungsod sa oras na maging available na ang bakuna laban sa COVID-19 at hinati ito sa apat na zone.

Ang Zone 1 ay inilagay sa East Rembo Elementary School na magsusupply ng vaccine sa Cembo Elementary School, South Cembo Elementary School, Comembo Elementary School, East Rembo Elementary School, Fort Bonifacio Elementary School, Rizal Elementary School, at West Rembo Elementary School.


Ang Makati High School naman ay ang Zone 2 kung saan sakop nito ang Nemesio Yabut Elementary School, Guadalupe Viejo Elementary School, San Jose Elementary School, Pitogo Elementary School, Makati High School, at Pio del Pilar High School.

Ang Zone 3 ay inilagay sa Nicanor Garcia Elementary School, para sa Nicanor Garcia Elementary School, La Paz Elementary School, Jose Magsaysay Elementary School, F. Benitez III Elementary School, at F. Benitez III Main Elementary School.

Habang ang Pio del Pilar Elementary School Main ay ginamit bilang Zone 4 na magbibigay naman ng vaccine sa Bangkal Main Elementary School, Palanan Elementary School, Pio del Pilar Elementary School I, Pio del Pilar Elementary School Main, San Antonio Elementary School, at San Isidro National High School.

Matatandaan, nauna ng itinalaga ng pamahalaang lungsod ang Makati Coliseum, anim na villages, at ang Ospital ng Makati bilang mga vaccination facility ng lungsod.

Sa ngayon, mayroong 31 vaccination sites sa lungsod kung saan aprobado na ang mga ito ng Inter-Agency Task Force o IATF, CODE Team, at Department of Health o DOH.

Matatandaan, naglaan ang pamahalaang lungsod ng Makati ng P1 bilyong pondo para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments