Nakapagtala na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng 24 na sunog na may kaugnayan sa paputok ngayong taon.
Sa pulong balitaan ng Department of Health kaugnay ng paglulunsad ng Ligtas Christmas sa Bagong Pilipinas Campaign, sinabi ni BFP Community Relations Service Chief Fire Senior Inspector Gabriel Solano na 15 sa mga sunog ay may kaugnayan sa pagsabog ng paputok.
Labing anim naman sa mga ito ay dahil sa mga pailaw.
Sa pagpasok ng December, isang kaso pa lamang ang naitatala nila na nangyari sa Bacolod kung saan isang bahay ang nasunog dahil sa sinindihang paputok.
Paalala ng BFP sa publiko, maging maingat sa paggamit ng paputok o kung maiiwasan ay huwag nang gumamit nito sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang sunog.
Facebook Comments