24 na train set ng MRT-3, operational na

Fully operational na ang nasa 24 train sets ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito ay matapos makumpleto ng MRT-3 ang pag overhaul ng 72 light rail vehicles o mga bagon noong Nobyembre 2022.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, sa 18 train sets na tumatakbo sa peak hours, tumaas na sa 10 million ang ridership nito kada buwan ngayong taon.


Mas mataas na ang ridership kumpara sa 8 milyon kada buwan noong 2022 at 5 milyon noong 2021.

Dagdag pa ni Aquino, nasa 375,000 hanggang 400,000 na ang daily average ng ridership ngayon.

Ibig sabihin nito, marami ng commuters ang sumasakay sa MRT-3.

Samantala, sa 24 na train sets na magagamit, maaari pang mag-deploy ng karagdagang dalawa o higit pang train sets kung kinakailangan upang ma-accommodate ang 450,000 hanggang 500,000 na pasahero kada araw.

Facebook Comments